Sorsogon City, Philippines — Pinag-aaralan na ng mga opisyal ng Donsol, Sorsogon ang pagbabago sa buwan ng Butanding season bunsod ng maagang sightings ng mga ito sa lugar.
Ayon kay Donsol, Sorsogon Mayor Josephine Alcantara-Cruz, sa halip na January-May ay maaring gawing October-March ang Butanding season.
“The early sighting was actually noted last year also and this year actually this October this year we have already received reports that they have seen some Butandings in the area, and so some of our stakeholders specially the resort owners were requesting that maybe this is a high time for me, for us to start changing the Butanding season.”
Tuwing sumasapit ang Butanding season, dinarayo ang Donsol dahil sa mga nakikitang Butanding na kinagigiliwan ng maraming turista.
“Sobrang saya, masaya siya, kakaiba yung experience kasi ahh..malaki yung isda ,sobrang laki siya tapos nakakagulat dahil mabagal lang siya lumangoy tapos gentle lang siya so masaya,” pahayag ni Rainier Rodil, local tourist.
Noong isang taon, nagkaroon ng agam-agam na nawawala na ang mga Butanding sa Donsol dahil wala nang makitang Butanding sa peak season nito.
Ayon kay Raul Burce ng World Wide Fund for Nature (WWF) Philippines, posibleng napaaga ang pagdating ng pagkaing whale sharks ng mga Butanding.
“Kung titingnan natin doon sa data namin possible na yung pag-aga din ng pagdating ng pagkain ng whale shark kaya napaaga din ang aggregation ng whale shark,” pahayag nito.
Ikinokonsidera na rin ngayon sa bayan ng Donsol na i-anunsyo ang pagbabago ng panahon ng Butanding para maabisuhan ang mga turista na nais makakita ng higanteng isda.
Ani Burce, “Dapat mas maaga sanang pumunta yung mga turista. Around like for example sana January and February, yan ang magandang timing para sa pagbubutanding dito sa Donsol.” (Rhea Combo / Ruth Navales, UNTV News)