QUEZON CITY, Philippines — Umabot na sa 6,069 ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa hagupit ng Bagyong Yolanda.
Batay sa ulat National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit na sa dalawampu’t pitong libo ang bilang ng mga sugatan habang nasa isanlibo at pitong daan pa rin ang nawawala.
Mahigit na rin sa P35-billion ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyo sa agrikultura at imprasktraktura.
Patuloy naman ang pag-ayuda ng pamahalaan sa mga binagyo at nakapagpalabas na ng mahigit sa isang bilyong pisong relief assistance. (UNTV News)