Nagbabadya na namang tumaas ang presyo ng gasolina ngayong linggo.
Sa pagtaya ng ilang oil industry players, posibleng madagdagan ang presyo ng gasolina mula trenta hanggang singkwenta sentimos kada litro.
Ngunit may aasahan namang rollback sa diesel na posibleng umabot ng singkwenta hanggang sitenta sentimos.
Inaasahan ding magkakaroon ng rollback sa presyo ng kerosene mula sampu hanggang dalawampung sentimo kada litro. (UNTV News)