MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ng Malakanyang sa Department of Transportation and Communication ang naganap na aksidente sa Skyway kaninang madaling araw.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ipinauubaya nila kay DOTC Secretary Jun Abaya kung praktikal ang one-strike policy sa mga operator ng bus.
Reaksyon ito ng Palasyo sa naganap na aksidente na kinasangkutan muli ng Don Mariano Bus kung saan mahigit na dalawampu ang namatay.
Inatasan na ni Secretary Abaya si LTFRB Chairman Winston Ginez na imbestisgahan ang aksidente at i-review ang mga kuha mula sa CCTV.
Sa pamamagitan nito matutukoy kung anong klaseng infrastructure improvement ang maaaring gawin sa skyway upang maiwasan na maulit muli ang aksidente. (UNTV News)