Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Don Mariano Transit Corporation, pinatawan na ng preventive suspension ng LTFRB

$
0
0
Ang nahulog na Don Mariano bus sa Skyway habang hinahatak papuntang Bicutan Traffic Sector kaninang umaga matapos ma-retrieve at marescue ang mga pasahero nito. (MON JOCSON / Photoville International)

Ang nahulog na Don Mariano bus sa Skyway habang hinahatak papuntang Bicutan Traffic Sector kaninang umaga matapos ma-retrieve at marescue ang mga pasahero nito. (MON JOCSON / UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Sinuspinde na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang buong prangkisa ng Don Mariano Transit Corporation.

Ito’y matapos muling masangkot sa aksidente ang isa sa mga bus unit  nito umaga ng Lunes.

“We decided to suspend the entire fleet of the company to make sure that no untoward accident will again happen. Nakipag-ugnayan naman ako sa may-ari and I instructed the owner to immediately recall all the buses that plying in their respective routes,” pahayag ni Atty. Winston Gines, LTFRB Chairman.

Naabutan ng UNTV News Team ang ilang mga driver at konduktor ng Don Mariano Transit Corporation na nakatambay sa labas ng kanilang garahe.

Ang ilang bus unit napilitan ng gumarahe ng maaga kahit hindi pa sila nakakakota ng biyahe.

Hindi na rin tumuloy sa pamamasada ang bus unit na ito dahil kinailangan na niyang gumarahe.

Pinilit naming kapanayamin ang  ilang driver at konduktor ng Don Mariano Bus Company subalit tumanggi  silang humarap sa camera .

Si Mang Crispino na labing anim na taon ng nagtatrabaho bilang driver sa Don Mariano Transit nanghihinayang sa kanyang kikitain ngayong araw.

Ayon sa kanya, sa apat na balikang biyahe, nakakakomisyon siya ng 1,600 pesos kung kumikita siya ng 15,000 pesos mula Novaliches papuntang Pacita vice versa.

Ngunit dahil sa nangyari, magtitipid muna sila ng kaniyang pamilya sa gastusin habang wala siyang  kita.

Pitumpu’t walong bus units ng Don Mariano Transit Corporation ang hindi na pinayagan ng LTFRB na makabiyahe matapos itong patawan ng 30-day preventive suspension ng LTFRB.

Ayon sa LTFRB, dadaan sa ilang  proseso ang mga unit at mga driver ng Don Mariano Bus Transit habang nasa preventive suspension

“Lahat po ng units na sususpindehin natin ay kinailangang dumaan sa motor vehicle inspection ng LTO at ang mga driver nila ay kailangang dumaan lahat ng seminar sa LTO rin para sa security safety at compliance with traffic rules and regulation lahat ng driver ay kailangan dumaan sa random drug testing.”

Ayon sa LTFRB, posibleng sa Enero sisimulan ang pagdinig sa insidente.

Noong July 2012, isa ang nasawi matapos bumangga ang Don Mariano Transit sa railings ng EDSA – Ortigas flyover. (LEY ANN LUGOD / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481