Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Uniform speed limit sa mga lansangan, ipinanukala ng isang kongresista

$
0
0
Sa sobrang tindi ng aksidenteng ito na kinasangkutan ng Don Mariano bus na ito sa bahaging ito ng skyway sa Taguig, marami sa mga pasahero ang dead on the spot. (PHOTOVILLE International)

Sa sobrang tindi ng aksidenteng ito na kinasangkutan ng Don Mariano bus na ito sa bahaging ito ng skyway sa Taguig, marami sa mga pasahero ang dead on the spot. (PHOTOVILLE International)

QUEZON CITY, Philippines — Maraming espekulasyon  ang naglabasan na dahil umano sa mabilis na pagpapatakbo ng driver  kayat nahulog ang bus na Don Mariano Transit nitong umaga ng Lunes sa Bicutan Skyway.

Upang maiwasan na ang mga ganitong aksidente, isang panukalang batas ang inihain sa Kamara.

Naglalayon itong magtakda ng uniform speed limits sa mga pangunahing lansangan sa bansa.
Sa House Bill no. 3377 ni Tarlac Rep. Enrique Cojuangco layuning i-update ang mga panuntunan sa Road Safety and Management.

Sakop ng panukala ng kongresista ang North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, Metro Manila Skyway, Subic-Clark Tarlac Expressway, Southern Tagalog Arterial Road, Bataan Provincial Expressway, Manila-Cavite Expressway at iba pang major roads sa bansa.

Sa mga nasabing kalsada 80 kph na speed limit para sa mga kotse at motorsiklo habang 50 kph naman para sa mga bus at truck na tatahak sa mga itinuturing na open country road na walang blind corners at malayo sa mga bahay.

Sa mga boulevard naman walang blind corners, 40 kph para sa mga sasakyan at motorsiklo habang 30 kph para sa mga bus at truck.

Para sa mga city at municipal road na may traffic light, 20 kph para sa mga ordinaryong sasakyan at motorsiklo habang 30 kph para sa truck at bus habang 20 kph na lamang ang speed limit sa mga mataong lansangan.

Pwede namang magpatakbo ng 130 kph ang mga sasakyan at motorsiklo sa mga highway na ekslusibo para sa high-speed traffic habang 110 kph naman dang mga bus at truck.

Sangayon naman ang mayorya ng mga driver na aming nakausap.

Mas mabuti ito dahil mababawasan na ang mga pasaway na driver sa lansangan.

Sakaling maisabatas lahat ng mapapatunayang lalabag ay papatawan ng kaukulang parusa. (GRACE CASIN, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481