MANILA, Philippines – Hindi magdadalawang isip si House Deputy Speaker at Quezon Province 4th District Rep. Erin Tañada sakaling alukin siya ng posisyon sa gobyerno ni Pangulong Aquino.
Sinabi rin ni Tañada na wala siya sa posisyon para mamili kung saang pwesto niya gusto.
“I just leave it to the discretion of the President, alam naman po niya na tapat akong maglingkod sa bayan.”
Idinagdag pa ni Tañada na hindi nya sisirain ang tiwalang ibibigay sa kanya ng Pangulo.
“Alam naman nya yung aking strengths, alam nya kung paano ako magtrabaho, I think I’ll be an asset more than a liability to him,” pahayag pa ng mambabatas. (Lea Ylagan & Ruth Navales, UNTV News)