MANILA, Philippines – Mas mababang generation charge sa bill ng kuryente ang maaaring bayaran ng mga consumer sa mga susunod na buwan.
Ito ay matapos ibaba sa kalahati ang presyo ng kuryenteng nabibili sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM.
Batay sa resolusyon ng Department of Energy (DOE), Energy Regulatory Commission (ERC) at Philippine Electricity Market Corporation, mananatiling mababa ang generation charge habang nakabinbin pa sa Supreme Court (SC) ang mahigit sa apat na piso kada kilowatt hour (kwh) na dagdag-singil ng MERALCO.
Mula sa P62.00 kada kwh, P32.00 na lang ang maximum na presyo ng kuryente na mabibili sa spot market.
Ngunit ayon sa MERALCO, hindi makakaapekto ang pinababang presyo ng kuryente sa nakabinbibing power rate hike dahil siningil na sila ng WESM noon pang Nobyembre. (UNTV News)