Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Aberya sa PCOS machines, nagdulot ng pagka-delay sa botohan sa ilang paaralan sa Cebu

$
0
0
Ang pagsubo ng balota sa PCOS machine ng isang matandang mababae sa presinto sa Cebu Technological University (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

Ang pagsubo ng balota sa PCOS machine ng isang matandang mababae sa presinto sa Cebu Technological University (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

CEBU, Philippines — Magkaroon ng pagka-delay, sa halalan sa clustered precinct no. 207, sa Abellana National High School, matapos na magkaroon ng start up failure ang PCOS machine kaninang umaga.

Sinubukan pang ayusin ng PCOS technician ang PCOS subalit nag-desisyon ito na palitan matapos mag-malfunction.

Ang clustered precinct no. 207 ay may 5 precinto ay may 800-900 na botante mula sa Sambag 2 sa Cebu City.

Dahil sa tagal nag-umpisa, nagreklamo na ang mga botante sa mga BEI, dahil dito nagdesisyon na ang chairman ng BEI sa na payagan na makapag-shade ang mga botante at ife-feed nalang pagdating ng backup PCOS mula sa COMELEC.

Dito sa Abellana National High School ay may mga voter’s assitance desk na inilagay ang Cebu-Citizens Involvement and Maturation in People Empowerment and Liberation o C-CIMPEL, para sa mga botante na hindi pa nahahanap ang kanilang mga presinto.

Nagkaroon din ng aberya ang mga PCOS machine ng Mactan Elementary School, sa Lapu-Lapu City at sa Dumanjug. (NAOMI SORIANOSOS / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481