MANILA, Philippines — Handa na ang Department of Education (DepED) sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 3.
Ayon kay DepED Undersecretary Tonisito Umali, halos dalawampu’t apat na milyong estudyante ang inaasahan nilang papasok ngayong school year sa mga pampubliko at pribadong paaralan mula kinder hanggang high school.
Tatlong milyon sa bilang na ito ang mga nag-aaral sa private schools.
Sa pagbubukas ng klase, kakulangan pa rin sa classrooms ang sasalubong sa mga mag-aaral.
Sa tala ng DepED, halos 20-libong silid-aralan pa ang kulang at target matapos bago magsara ang school year 2013-2014.
Kulang pa rin ang mga guro kahit nakakuha na ng nasa animnapung libong bagong teachers ang DepED na ang iba ay pasuswelduhin pa ng lokal na pamahalaan.(UNTV News)