MOORE CITY, Oklahoma — Nasa recovery mode na ngayon ang siyudad ng Moore na pinakamatinding hinagupit ng buhawi sa estado ng Oklahoma.
Ayon kay Moore Mayor Glenn Lewis, naibalik na ang supply ng tubig sa buong Oklahoma at inaasahang maisusunod na rin ang suplay ng kuryente at mga linya ng telepono.
Posible rin umanong manatili na lamang sa dalawampu’t apat ang bilang ng mga nasawi dahil wala ng nakukuhang bangkay ang mga otoridad mula sa mga debris ng mga gusali at bahay na nawasak.
Sa ngayon ay dagsa na ang mga donasyon mula sa iba’t-ibang organisasyon at mga kilalang personalidad para sa mga biktima ng kalamidad.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Pilipinas sa mga biktima ng maituturing na pinaka-mapaminsalang kalamidad sa Oklahoma ngayong taon. (UNTV News)