Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

1st Torotot Festival, isasagawa sa Davao City; Seguridad sa lungsod, hinigpitan

$
0
0
Isang tindero ng torotot habang hinihipan ang kanyang mga tinda. Sa pagsalubong sa 2014 ngayong gabi ay magkakaroon ng 1st Torotot Festival sa Davao City kung saan tatangkain ng naturang lungsod na makuha ang world record mula sa Japan sa pagsalubong sa bagong taon gamit lamang ang torotot. (PHOTOVILLE International)

DAVAO CITY, Philippines — Gaganapin sa Davao City ang kauna-unahang Torotot Festival na naglalayong makagawa ng world record sa pagsalubong sa bagong taon gamit lamang ang mga torotot at hindi mga paputok.

Sa ngayon ay hawak ng Japan ang world record na may halos pitong libong lumahok sa Torotot Festival.

Sa Davao City napiling isagawa ang first Torotot Festival gamit ang blowing device sa pagsalubong sa bagong taon dahil ipinagbabawal sa siyudad ang paggamit ng anumang uri ng paputok.

Samantala, mahigit dalawang daang pulis naman ang maagang idineploy upang matiyak ang seguridad ng mga manonood at lalahok sa kauna-unahang Torotot Festival na idaraos sa Freedom Park sa Roxas Boulevard, Davao City ngayong gabi. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481