Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang lugar sa bansa, nakararanas ng measles outbreak — DOH

$
0
0
 This is the skin of a patient after 3 days of measles infection; treated at the New York - Presbyterian Hospital. Prior to widespread immunization, measles was common in childhood, with more than 90% of infants and children infected by age 12. Recently, fewer than 1,000 measles cases have been reported annually since 1993. (CREDITS: CDC / Dr. Heinz F. Eichenwald /  Wikipedia)

This is the skin of a patient after 3 days of measles infection; treated at the New York – Presbyterian Hospital. Prior to widespread immunization, measles was common in childhood, with more than 90% of infants and children infected by age 12. Recently, fewer than 1,000 measles cases have been reported annually since 1993. (CREDITS: CDC / Dr. Heinz F. Eichenwald / Wikipedia)

MANILA, Philippines — Kinumpirma na ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng measles outbreak o epidemya ng tigdas sa ilang lugar sa bansa.

Simula January 1 hanggang December 14 noong 2013, nakapagtala ang ahensya ng 1,724 kaso ng tigdas sa buong bansa.

Nanguna sa pinakamaraming nagkasakit ng tigdas ang National Capital Region (NCR), sumunod ang Southern Luzon at Western Visayas.

Sa datos ng DOH, sa San Lazaro Hospital pa lang sa Maynila ay 21 na ang kumpirmadong namatay sa tigdas.

Nito lamang November 11 hanggang December 17, nakapagtala ng maraming kaso sa ilang barangay sa Caloocan, Maynila, Las Piñas, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Taguig at Valenzuela.

Sa inisyal na ulat ng kagawaran, mababa ang measles vaccine coverage sa mga lugar na ito.

“Kung mababa ang vaccine coverage, may isa lang dun magkaroon ng tigdas kakalat na yun lalo na kung ang bahay nila ay dikit-dikit at kung saan marami pang bata sa isang pamilya, yun po ang trend,” pahayag ni DOH Spokesman Asec. Eric Tayag.

Ang tigdas ay airborne o nakahahawa. Karaniwang tinatamaan nito ang mga sanggol subalit kahit matanda na ay maaring mahawaan nito kung walang bakuna o kung hindi pa nagkakatigdas.

May tatlong pangunahing sintomas ang sakit na tigdas. Una ay pamumula ng mga mata; pangalawa ang pagkakaroon ng runny nose o sipon; at susundan ng ubo at mataas na lagnat hanggang 40 degree celsius.

Dagdag ni Tayag, “ito po ay susundan pagkaraan ng dalawang araw ng pulang rushes sa may bandang tenga at yan po ay kakalat sa mukha, leeg hanggang sa buong katawan. Maari pong magkamot ang mga bata sapagkat itoy bahagyang makati. Ang tigdas po ay nakakahawa dalawang araw bago pa lumabas ang pantal. Ibig sabihin yan lagnat pa lang pwede ng makahawa ang isang bata.”

Payo ng DOH, wag balewalain ang measles outbreak, at pabakunahan kaagad sa mga health center ang mga batang anim na buwang gulang na.

Ayon sa DOH, libre ang pagpapabakuna kontra tigdas.

Sa darating na bakasyon, magkakaroon ng nationwide mass vaccination ang kagawaran. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481