Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bilang ng mga Pilipinong nagugutom sa bansa, muling tumaas — SWS

$
0
0
FILE PHOTO: Left over food. Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga nagugutom sa bansa ay may ilang mga kababayan rin natin ang nakukuhang magtira ng pagkain sa kanilang pinggan. (RAYMOND BALA LACSA / Photoville International)

FILE PHOTO: Left over food. Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga nagugutom sa bansa ay may ilang mga kababayan natin ang nakukuhang magtira ng pagkain sa kanilang pinggan. (RAYMOND BALA LACSA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Muling tumaas ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom sa bansa.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), lumalabas na nasa apat na milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing wala silang makain.

Mahigit sa tatlong milyong (3.2 million) pamilyang Pilipino naman ang dumaranas ng moderate hunger o ‘yung isang beses lamang kumain sa isang araw.

Habang mahigit naman sa pitong daang libong pamilyang Pilipino ang nasabing nakararanas ng matinding kagutuman.

Sa nasabing survey, tumaas ang antas ng pagkagutom sa lahat ng rehiyon maliban sa Metro Manila.

Sa Mindanao naman naitala ang pinakamataas na bilang ng mga nagugutom na umabot sa mahigit isang milyong pamilya.

Matatandaang nito lang nakalipas na Abril, inilabas ng National Statistical Coordination Board (NSCB) ang resulta ng kanilang pag-aaral na nagsabing walo sa 100 Pilipino ang namumuhay sa kahirapan.

Sa kabila nito, bumaba naman ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila ay mahirap.

Mula 54% noong nakaraang taon, bumaba ito ng dalawang puntos ngayong 1st quarter na umaabot lamang sa mahigit sampung milyong pamilya. (Nel Maribojoc & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481