Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga nakumpiskang ilegal na paputok, sinunog ng QCPD

$
0
0
Ang pagsunog ng QCPD sa mga nakumpiska nitong mga illegal na paputok sa pagsalubong sa 2014. (UNTV News)

Ang pagsunog ng QCPD sa mga nakumpiska nitong mga illegal na paputok sa pagsalubong sa 2014. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Sinunog na ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga nakumpiskang  ilegal na paputok nitong holiday season.

Ayon kay QCPD Director, Chief Supt. Richard Albano, nasa 60-libong pisong halaga ng mga ilegal na paputok ang kanilang sinunog.

Aniya, mas mababa ang halaga nito kumpara sa mga nakumpiska noong nakaraang taon na umabot sa halos isang daang libong piso.

“Mas kokonti ngayon, siguro natuto na rin ang mamamayan kasi wala na rin masyadong bumibili.”

Sinabi pa ng heneral na umaasa sila na sa susunod na taon ay magkaroon na lamang ng firecracker zone ang bawat barangay upang maiwasan ang nasusugatan dahil sa paputok.

“Mga city government na, sila na yung bibili at magkakaroon ng fireworks display,” pahayag pa ni Albano.

Kabilang sa mga sinunog na paputok ang Super Lolo, Bawang, Goodbye Philippines, Yolanda, Napoles at whistle bomb. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481