MANILA, Philippines – Magbibitiw sa pwesto si Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson kapag napatunayang may overpricing sa pagpapatayo ng mga bunkhouse para sa typhoon Yolanda victims.
Ayon sa kalihim, pupunta siya ng Tacloban at titingnan kung may mga hindi nasunod sa mga specification sa construction ng mga temporary shelter.
Dagdag pa nito, hindi pa nila nababayaran ang construction firm na kanilang kinuha sa pagpapatayo ng mga temporary shelters.
Kung makikita nyang hindi sumunod ang mga ito sa mga specifications na kanilang binigay ay hindi nila ito babayaran, maliban na lamang kung ayusin ito sa tamang specifications. (UNTV News)