Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Suplay ng gulay mula sa Benguet, sapat ayon sa DA

$
0
0
FILE PHOTO:  Matatanaw mula sa bahaging ito ng tuktok ng Mt. Cabuyao sa Tuba, Benguet ang mga taniman. Bagaman patuloy ang pagbaba ng temperatura sa mga panahong ito, tiniyak naman ng Kagawaran ng Pagsasaka na sapat ang supply ng mga gulay na nagmumula sa lalawigang ito. (ANGELICA CLOMA / Photoville International)

FILE PHOTO: Matatanaw mula sa bahaging ito ng tuktok ng Mt. Cabuyao sa Tuba, Benguet ang mga taniman. Bagaman patuloy ang pagbaba ng temperatura sa mga panahong ito, tiniyak naman ng Kagawaran ng Pagsasaka na sapat ang supply ng mga gulay na nagmumula sa lalawigang ito. (ANGELICA CLOMA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbagsak ng temperatura sa Benguet province na nagiging dahilan ng pagkasira ng ilang pananim na gulay.

Kabilang sa mga tinamaan ng andap o frost ang bayan ng Atok, Biguas, Kibingan at Manyakan.

Sa kabila nito, tiniyak ni Benguet Gov. Nestor Fongwan na hindi maaapektuhan ang suplay ng gulay na nanggagaling sa lalawigan dahil wala pa sa isang porsyento ng taniman ang napipinsala nito.

“Actually hindi affected ang supply natin we have abundant supply. Alam na alam na nila at saka di naman substantial ang area na affected ng frost eh its only minimal areas isolated ang minimal areas,” pahayag nito.

Sa mahigit isang libo at limang daang ektarya ng taniman sa Atok at Kibungan, 25 porsyento lamang ng tatlong ektaryang taniman ang totally damaged dahil sa andap.

Ayon naman kay Agrticulture Sec. Proceso Acala, ginagamit lang na dahilan ng ibang mga negosyante ang frost upang magsamantala at magtaas ng kanilang mga presyo.

“Nakakalungkot po may mga ilang negosyante dito sa Metro Manila na ginagamit po ito na dahilan para magmahal ng presyo,” saad ng kalihim.

“Nagulat nga ako nung sinabi nila nagbebentahan dito mga P50 eh so palagay ko ginagamit itong frost na mag-manipulate ng price,” pahayag naman ni Fongwan.

Sa Benguet nanggagaling ang 70 porsyento ng gulay sa Metro Manila.

Ngunit ayon kay Secretary Alcala, may mga lugar din na pagkukunan ng supply na ipampapalit sa mga nasira gaya sa Nueva Viscaya, Quezon, Cavite at Laguna.

Ani Alcala, “ang permanenteng solusyon pa rin po ay yung pagpapalawak ng taniman sa midland sa Nueva Viscaya.”

Nararanasan ang andap sa tuwing sasapit ang buwan ng Oktubre hangang Enero o panahon na bumabagsak ang temperatura.

Matatandaan noong December 31 at January 1 ay bumagsask sa 11.9 degree celsius ang lamig sa Baguio City subalit mas mababa  ng 2 hangang 3 sentigrado ang lamig sa mga bayan na apektado ng andap. (Bryan Lacanlale / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481