MANILA, Philippines – Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, ito ay maaaring pumasok sa PAR sa araw ng Biyernes at magpapaulan sa Bicol at Visayas area sa Sabado at Linggo.
Sakaling maging bagyo ang naturang LPA ay papangalanang Agaton.
Samantala, apektado pa rin ng trough ng low pressure area sa labas ng Philippine area of responsibility ang Mindanao samantalang northeast monsoon o amihan naman ang nakakaapekto sa bahagi ng Luzon.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, magiging maulap ang papawirin sa Visayas at Mindanao at magkakaroon ng katamtamang pagulan.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng pulo-pulong pagulan pagkulog at pagkidlat. (UNTV News)