MANILA, Philippines — Inaasahang maide-deliver na sa susunod na taon ang mga bagong jets mula South Korea para sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, sa ngayon ay patuloy ang negosasyon sa pagbili ng mga jets.
Dagdag pa ng kalihim, sa mga susunod na taon mas marami pang air assets at water crafts ang bibilhin ng Pilipinas upang lalo pang mapalakas ang AFP sa pagbabantay sa karagatang sakop ng bansa.
Samantala, sa ngayon ay wala pang namomonitor ang DND na panibagong insidente ng intrusion o iligal na pagpasok sa teritoryo ng bansa ng mga barko at eroplano ng China. (UNTV News)