MANILA, Philippines — Mas paiigtingin pa ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagbabantay sa mga crime prone area sa Quezon City ngayong taon.
Ayon kay QCPD Director, Chief Supt. Richard Albano, magtatalaga sila ng standby mobile patrol sa mga establisyimento tulad ng bangko.
Ang bawat mobile patrol ay may kapartner na isang motorsiklo na iikot sa mga lugar.
“It is not only police visibility, its police presence maramdaman nila na nandyan tayo,” saad nito.
Sinabi pa ni Albano na 80% din ng kanilang mga tauhan ang ilalabas upang bigyang seguridad ang mga mamamayan, habang ang 10% sa 20% na nasa loob ng opisina ang siyang magpa-follow up ng status ng mga kaso na nakahain sa kanilang tanggapan.
“Yung commissioned of crimes sana liliit pa, pag nakikita ng mamamayan na nandyan ang police mas nae-encourage sila tulad noong 2013,” saad pa ng opisyal.
Sinabi pa ni Albano na madali nilang magagawa ang pagbabantay dahil suportado sila ng local government units ng mga bagong kagamitan tulad ng mga ss:
— 80 mobile patrols
— 100 motorcycle unit
— 200 communication equipment & two-way radio
— 120 firearms
— 200 vest
— Kevlar
— Coaster
— Troop carrier
— SOCO van
Dahil sa mga parating na bagong kagamitan ay wala nang dahilan ang mga pulis sa Quezon City upang hindi magampanan ng maayos ang kanilang trabaho. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)