MANILA, Philippines – Humuhupa na ang tensyon sa Taiwan kaugnay ng pagkasawi ng isang Taiwanese fisherman sa Balintang Channel sa Batanes.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, unti-unti nang kumakalma ang sitwasyon sa Taiwan kasunod ng ibinigay na katiyakan ng Taiwanese government ukol sa proteksyon sa mga Pilipino doon.
Malaki din umano ang naitulong ng patuloy na panawagan ni Pangulong Benigno Aquino III na huwag idamay sa isyu ang mga Pilipino na nasa Taiwan.
“So far sa atin pong nakikita, bumababa na po ng kaunti, I was able to speak to MECO Chairman Amadeo Perez this morning (Wednesday), Chairman Perez said that I think his counterparts in Taiwan receives presidents interview yesterday,” pahayag ni Valte.
Ngunit sa kabila nito, nananatili pa rin ang ilang sanctions ng Taiwan gaya ng inilabas na red travel alert laban sa Pilipinas.
Aminado naman ang palasyo na malaki ang magiging epekto nito sa turismo ng bansa dahil ang Taiwan ang pang-lima sa mga bansang may pinakamaraming turista na dumarating sa Pilipinas.
“I understand that the DOT will concentrate on other markets or shifts their focus, of course where hoping also that this will come to past,” pahayag pa ni Valte. (Nel Maribojoc & Ruth Navales, UNTV News)