MANILA, Philippines — Inaasahang matatapos na ngayong Hulyo ang konstruksyon ng Takenaka Corporation, ang original builder sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na sinimulan noong November 2013
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado, asahan rin ang kumpletong CCTV installation sa iba’t ibang bahagi ng airport.
“Tama sila kasi its a major component eh tama it’s a must in the airport. Nagkapirmahan na ang DOTC at Takenaka. The work is started on last Nov. 14, but not for CCTV alone but for the whole 23 system to make NAIA 3 fully operational,” pahayag ni Honrado.
Sa ulat ng MIAA, nagkakahalaga ng $39 million ang kontrata ng Takenaka sa pagsasaaayos ng NAIA 3.
Ayon kay Honrado, malaki ang maitutulong ng NAIA 3 upang maibsan ang pagsisiksikan ng mga pasahero sa NAIA 1.
4.5 million passenger lamang kada taon ang design capacity ng Terminal 1 na itinaas sa 6.5 million.
Ngunit batay sa survey ng MIAA, umabot ng 8.4 million ang dumagsang pasahero sa NAIA Terminal 1 na nakaapekto ng malaki sa pagkaantala ng maraming flights noong 2012.
Ani Honrado, “Pag natapos ang Terminal 3 sa July, ililipat ko ang 3 million passenger from NAIA 1 to NAIA 3.”
Hinamon rin nito ang mga kritiko ng paliparan na personal na alamin ang kasalukuyang estado ng paliparan at hindi sabi-sabi lamang.
“Sabi nila wala pang tubig hindi namin problema ung tubig anh problema sana uungbbursting pipes dahil malakas ang pressure, marumi. Kailan kayo huling pimunta jan, yun ang sagot ko.” (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)