Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DOE at ERC, inatasan ng Korte Suprema na sagutin ang mga petisyon vs. power rate hike

$
0
0
Inatasan ng Kataastaasang Hukuman na sagutin ng Department of Energy at Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga petisyon kaugnay sa power rate hike (UNTV News)

Inatasan ng Kataastaasang Hukuman na sagutin ng Department of Energy at Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga petisyon kaugnay sa power rate hike (UNTV News)

MANILA, Philippines – Hindi pinagbigyan ng Korte Suprema ang hiling ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na ‘wag nang sumagot sa mga petisyon laban sa dagdag-singil sa kuryente ng Manila Electric Co. (MERALCO).

Sa halip ay inatasan ng korte ang DOE at ERC na isumite ang kanilang komento hanggang sa Enero 17 at dumalo sa preliminary conference sa darating na Lunes, Enero 13.

“The motion by the Office of the Solicitor General is DENIED. Accordingly, public respondents, through the Office of the Solicitor General, are required to (1) file and serve a COMMENT on the Petitions on or before January 17, 2014 by personal service, and (2) ATTEND the initial Preliminary Conference on January 13, 2014,” pahayag ni Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te.

Sa kanilang isinumiteng manifestation at mosyon noong Enero 2 sa pamamagitan ng solicitor general, hiniling ng DOE at ERC na payagan sila na wag nang magkomento sa mga petisyon.

Katwiran nila, nominal parties lamang sila sa mga kaso kaya’t hindi na sila obligadong sumagot sa mga petisyon.

Ayon pa sa DOE at ERC, ang MERALCO ang may obligasyon na humarap sa korte at dumipensa sa kanilang panig.

Samantala, inatasan naman ng Korte Suprema ang mga petitioner na amyendahan ang kanilang petisyon at idagdag bilang mga respondent ang Philippine Electricity Market Corporation o PEMC at ang anim na power supplier ng MERALCO, kabilang ang SEM-Calaca Power Corp., Masinloc Power Partners Corp., Therma Luzon Inc., San Miguel Energy Corp., South Premiere Power Corp., Therma Mobile Inc.

Ang PEMC ang nangangasiwa sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM.

Ang naturang power generators ang nag-supply ng kuryente sa MERALCO nitong nakaraang Nobyembre nang magtaas ang singil sa generation charge.

Pinasasagot din ang mga ito sa petisyon.

Nakatakda namang talakayin ang kaso sa oral arguments sa Korte Suprema sa Enero 21. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481