MANILA, Philippines – Muling pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagtanggap sa mga bisita sa Rizal Hall, Malakanyang para sa taunang Vin D’ Honneur nitong Biyernes ng umaga.
Sa tradisyunal na Vin D’ Honneur, nagtitipon-tipon ang mga matataas na opisyal ng Pilipinas at iba’t ibang organisasyon, kabilang na ang mula sa mababa at mataas na kapulungan ng kongreso, mga miyembro ng gabinete, hudikatura, diplomatic community, mga representante mula sa business sector, international organization at non business organization.
Ito rin ang pagkakataon na ang Pangulo ay nagbibigay ng pahayag para sa diplomatic community.
Naging sentro ng talumpati ng pangulo ang mga naging pagsubok ng bansa sa taong 2013.
Partikular na rito ang mga hinarap na pagsubok ng bansa, katulad ng Typhoon Pablo, Habagat, malakas na lindol sa Cebu at Bohol, Zamboanga siege at ang Super Typh0on Yolanda.
“Yolanda a tragedy of unprecedented scale occurred it tested the determination of our people, despite the magnitude and devastation of this single event , the Filipino people came through, some of you marveled resilience of our nation a people who’s’ faith remain constant and only deepened,”
Pinasalamatan naman ng Pangulo ang diplomatic community dahil sa ibinigay na tulong nito sa Pilipinas partikular na sa nakaraang Super Typhoon Yolanda.
Sinabi ng pangulo, na ang pagtulong na ito ay hindi malilimutan ng mga Pilipino.
“To all gathered here it is a sincere gratitude that I tell you, the Filipino people remember who their friends are, Filipinos never forget an instance of kindness and constantly look for ways to repay those who stood by them in most difficult times in our language we call this ‘utang na loob.” (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)