MANILA, Philippines – Hinimok ni Pangulong Benigno Aquino III ang publiko na makiisa sa National Day of Prayer and Solidarity sa darating na Lunes, Enero 20.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr., may temang “One Nation In Prayer” ang programa na gaganapin sa Malakanyang.
Sinabi ni Coloma na ito rin ang mensahe ng Pangulo sa ginanap na Vin D’ Honneur sa Palasyo noong Biyernes.
Pangungunahan ng pangulo ang programa sa Lunes na lalahukan ng mga opisyal ng pamahalaan at iba’t ibang sektor. (UNTV News)