Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mahigit isang libong pamilya, inilikas dahil sa pagbaha sa Surigao City

$
0
0
Google Maps: Surigao City

Google Maps: Surigao City

SURIGAO CITY, Philippines — Umabot hanggang tuhod ang baha sa ilang bahagi ng Surigao City dahil sa pag-apaw ng tubig bunsod ng patuloy na pag-ulan sanhi ng low pressure area o LPA.

Tinatayang umabot na sa 1,600 pamilya sa buong probinsya ang pansamantalang lumikas sa mga evacuation center.

Namahagi naman ang lokal na pamahalaan ng mga food pack at gamot sa mga evacuee.

Ilang insidente rin ng landslide ang naitala sa Brgy. Laurel, Taganaan, San Isidro Tubod at Kapalayan, Surigao City bunsod pa rin ng walang patid na ulan.

Una nang kinansela ang klase sa pre-school at elementarya dahil sa sama ng panahon.

Samantala, pinahintulutan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga lantsa na bumibiyahe ng Dinagat at Siargao Island matapos itong pagbawalan kahapon dahil sa malalaking alon. (Edwin Anay / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481