Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

LTFRB, nagbabala sa mga bus company

$
0
0
FILE PHOTO: Dalawang pampublikong pampasaherong bus sa EDSA (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Dalawang pampublikong pampasaherong bus sa EDSA (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Muling nagbabala ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB sa mga bus company na nasasangkot sa mga aksidente at lumalabag sa batas.

Ang babala ay kasunod ng pagkansela sa prangkisa ng Don Mariano Bus Transit ngayong araw, Martes.

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, ang inilabas na hatol sa kaso ng Don Mariano ang pinakamalaking desisyong ginawa ng board mula pa noong 1987.

Payo ng ahensya sa mga bus operator, tiyaking road worthy ang kanilang mga bus bago bumiyahe. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481