MANILA, Philippines – Ipinagdiriwang ngayong Martes, January 14, ang unang anibersaryo ng programang Dear Kuya ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon.
Ang programang Dear Kuya ay kinapapalooban ng balitaan at pagtalakay sa iba’t-ibang isyu sa bansa. Mapapakinggan din sa programa ang Dear Kuya ‘the drama’ na tampok ang iba’-ibang kwento ng buhay.
Layunin ng programa na makapagbigay ng inspirasyon at gabay sa buhay na nakasulat sa biblia mula sa resource person ng programa na si Bro. Eli Soriano, ang Presiding Minister ng MCGI (Members Church of God International).
Lubos naman ang pasasalamat ni Kuya Daniel sa ipinakitang suporta ng mga tagapakinig ng programa.
“Nagpapasalamat tayo sa Panginoon na umabot pa tayo ng ganitong isang taon and we’re looking forward na makapagpatuloy tayo dun sa ating programa at sana makarating pa sa mas maraming mga listener at mas makatulong pa sa ating mga kapwa tao,” pasasalamat nito.
Hinihikayat din ni Kuya Daniel ang mga tagapakinig ng programa na magbasa ng biblia at gawing gabay sa buhay ang mga salita ng Dios.
“We encourage our listeners na read the Bible kung tayo ay nagbabasa ng maraming references bigyan din natin ng pagkakataon sa buhay natin na yung guide na binibigay ng Dios sa buhay natin sa pamamagitan ng Kanyang mga salita sa Bible ay mapagtuunan natin ng pansin at yun ang gawin nating pinaka basehan ng ating mga paggawa at maging guide natin sa buhay.”
Mapapakinggan ang programang Dear Kuya mula Lunes hanggang Biyernes, ganap na alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa UNTV Radio Laverdad 1350. (Joan Nano/ Ruth Navales, UNTV News)