Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malacañang jewelry collection ni dating First Lady Marcos, pinababawi ng Sandiganbayan

$
0
0
Ilocos Norte Representative Imelda Marcos. File Photo: UNTV News

Ilocos Norte Representative Imelda Marcos. File Photo: UNTV News

MANILA, Philippines — Pinababawi ng Sandiganbayan ang isa sa tatlong jewelry collections ni dating first lady at ngayon ay Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.

Sa 33-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Special Division, idineklara nitong ill-gotten wealth ang “Malacañang jewelry collection” na nagkakahalaga ng $150,000 noong 1986.

Sa atas ng Sandiganbayan na nilagdaan ni Associate Justice Efren Dela Cruz, sinasabing dapat nang bawiin at ibalik sa estado ang mga nasabing alahas matapos mapatunayan sa korte na ito ay ill-gotten.

Nakasaad sa desisyon ng graft court na hindi nakapagpakita ng matibay na ebidensya ang mga Marcos na ang mga alahas ay lawfully acquired.

Ang Malacañang jewelry collection ay ang huli sa tatlong koleksyon ng mga Marcos na may pending case. Ito ay ang mga naiwan ng mga Marcos noong 1986 ng sila ay umalis patungong Hawaii dahil sa People Power 1.

Ayon sa petition ng Presidential Commission on Good Government o PCGG, ang Malacañang jewelry collection sa panahon ng mga Marcos kasama ang Roumeliotes at Hawaii Collections ay nakatago sa vault ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang Roumeliotes Collection ay kinabibilangan ng 60-piraso ng extravagant jewelries o mamahaling alahas at loose gemstones, habang ang Hawaii Collection naman ay trinkets and baubles na nakita sa luggage ng Marcos family nang ito ay lumapag sa Honolulu International Airport noong February 1986.

Samantala, ayaw naman munang magkomento ng kampo ng mga Marcos hanggang hindi nila natatanggap ang kopya ng desisyon ng Sandiganbayan. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481