Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Awiting “Ang Pag-Ibig Mo”, pasok na sa monthly finals ng ASOP TV

$
0
0
Kinamayan ni ASOP host Richard Reynoso ang nanalong composer na si Jaime Enriquez para sa kanyang awitin na Ang Pag-ibig Mo sa interpretasyon naman ni Bryan Olano (naka-blue coat). Matatandaan noong ASOP Year 1ay nakasama rin si Enriquez sa grand finals para sa awiting "Pag-ibig ay Dios" sa interpretasyon naman ni Renz Verano. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)

Kinamayan ni ASOP host Richard Reynoso ang nanalong composer na si Jaime Enriquez para sa kanyang awitin na “Ang Pag-ibig Mo”sa interpretasyon ni Bryan Olano (naka-blue coat). Matatandaan noong ASOP Year 1 ay nakasama rin si Enriquez sa grand finals para sa awiting “Pag-ibig ay Dios” sa interpretasyon naman ni Renz Verano. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)

MANILA, Philippines – Pasok na sa monthly finals ang entry ng nagbabalik contestant ng A Song of Praise (ASOP) Music Festival na si Jaime Enriquez.

Magugunitang nanalong “People’s Choice” sa ASOP year 1 ang una nitong entry na “Pag-ibig ay Dios” na inawit ni Renz Verano.

Ang obra naman niya ngayon na pinamagatang “Ang Pag-Ibig Mo” sa interpretasyon ni Bryan Olano ang itinanghal na “song of the week” ngayong linggo.

Pahayag ni Jaime, “parang ako ‘yung underdog. Kabang-kaba rin ako eh.  Hindi ko naman akalain talagang ako ‘yung mananalo.”

“Sobrang ganda ng melody tapos parang bagay sa’kin kasi youthful ‘yung kanta tapos parang pop siya,” pahayag naman ni Bryan.

Tinalo ng naturang komposisyon ang mga awiting “Your Love” ni John Lester Abeleda sa rendisyon ni Ruth Regine Reyno, at “Mahal Kita Oh Dios” ni Martin John Arellano sa interpretasyon ni Migs Ramirez. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

Kabilang sa mga naging hurado sa naturang episode si ‘Doktor Musiko’ Mon Del Rosario, kasama ang theater actress at Isang Araw guest star na si Pinky Amador at ang premyadong kompositor na si Mon Espia. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)

Kabilang sa mga naging hurado sa naturang episode si ‘Doktor Musiko’ Mon Del Rosario, kasama ang theater actress at Isang Araw guest star na si Pinky Amador at ang premyadong kompositor na si Mon Espia. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481