CEBU, Philippines — Nananawagan ngayon ang DSWD Region-7 sa benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program na biktima ng Bagyong Yolanda na maari na nilang makuha ang kanilang cash grant.
Mas pinadali ngayon ng Department of Social Welfare and Development Region 7 ang pagkuha ng mga cash grant ng mga beniepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program, lalo na ang mga naging biktima ng super typhoon Yolanda noong nakaraang taon.
Ayon sa DSWD-7, marami sa mga miyembro ng 4Ps ang pansamantalang umalis sa kanilang mga lugar dahil sa matapos ang pananalasa ng naturang bagyo.
Tumatanggap ang mga benepisyaryo ng 4Ps ng P500 kada buwan at P300 dagdag na allowance para sa mga anak na nag-aaral sa elementarya at maari na nila itong makolekta sa ngayon.
Kailangan lamang na pumunta sa alinmang DSWD offices upang ma-interview.
Sa mga nawala ang mga ID, isasailalim sila sa interview at berepiskasyon ng DSWD. (NAOMI SORIANOSOS / UNTV News)