Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mas epektibong reporma at programa ng Bureau of Immigration, asahan ngayong 2014

$
0
0
 Bureau of Immigration Commissioner Siegfred Mison (UNTV News)

Bureau of Immigration Commissioner Siegfred Mison (UNTV News)

MANILA, Philippines — Asahan ang mas epektibong programa sa Bureau of Immigration sa taong ito.

Ayon kay Immigration Commissioner Siegfred Mison, ito ay matapos padagdagan ni Pangulong Benigno Aquino III ng P33-million ang annual budget ng Bureau of Immigration.

Mula sa P568 million noong nakaraang taon, naging P601 million na ito ngayong 2014.

Sinabi ni Mison na malaking tulong ito sa pagpapabuti ng mga serbisyo para sa mga foreign national at turistang bumibisita sa bansa.

Kalahati sa budget ay ilalaan sa mga reporma para sa immigration personnel at sa pag-upgrade ng services at training ng bureau.

Plano rin ng ahensya na tapusin na ang automation ng mga serbisyo upang maiwasan ang human intervention.

Dagdag pa dito ay ang pagmodernisa sa information technology at surveillance systems sa mga paliparan at pantalan. (BIANCA DAVA / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481