Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang transport group, humingi ng subsidy para sa modernisasyon ng mga jeep

$
0
0
Public Utility Jeepney. FILE PHOTO: Rolito Ponte / Photoville International

Public Utility Jeepney. FILE PHOTO: Rolito Ponte / Photoville International

MANILA, Philippines — Muling nagdaos ng pagdinig ngayong araw ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa petisyon ng transport groups na P2.00 dagdag singil sa pasahe.

Sa pagdinig, iginiit ng mga tsuper na napapanahon ng pagbigyan sila ng ahensya lalo na at limang taon na ang nakakalipas ng huli silang humiling ng dagdag pasahe.

Kung maaprubahan, maipapatupad lamang ito sa tatlong rehiyon, kabilang dito ang National Capital Region (NCR), Region 3 at Region 4

Anila, tumanggi ang ibang transport group na magsumite ng petisyon dahil ikinokonsidera nila ang naging epekto ng Bagyong Yolanda sa ibang rehiyon ng bansa.

Samantala, nakahanda naman ang mga transport group na iurong ang kanilang petisyon kung mapagbibigyan ang kahilingang subsidiya mula sa pamahalaan para sa modernisasyon ng kanilang mga jeep.

“Ang problema ng mga jeepney saan sila uutang, kung pupunta ng banko hindi naman sila pauutangin, so that’s where we want government to come in mag-open naman ng government financial institution total malaki naman ang kontribusyon ng public transport sector,” pahayag ni Atty. Vigor Mendoza II, ang abogado ng mga transport group.

Ayon pa sa mga tsuper, hindi lamang batayan ang presyo ng langis sa dagdag pasahe, kundi maging ang mahal na presyo ng mga spare part ng mga sasakyan. At dahil luma na ang mga makina ng mga sasakyan ay malakas na itong kumonsumo ng diesel.

Ayon pa sa grupo, ang MRT at LRT ay may subsidiya mula sa pamahalaan, at maging ang mga bus ay nakakakuha ng murang interes sa mga bangko na naipagkakait umano sa mga jeepney operator.

Suportado naman ng National Council for Commuters Safety and Protection (NCCP) ang kahilingan ng mga transport group na subsidiya mula sa pamahalaan.

“Sumasangayon kami na kailangan na talaga ng ating transport sector ng isang comprehensive support from the government,” pahayag ni NCCP President Elvira Medina.

Sinabi naman ni LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez na ilalaan nila ang buong buwan ng Pebrero upang matutukan ang mga petisyon ng transport groups na dagdag singil sa pasahe sa jeep. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481