MANILA, Philippines – Hindi na makikipag-agawan ang United Nacionalist Alliance (UNA) kay Senator-elect Grace Poe Llamanzares para sa 2016 elections.
Ayon kay UNA Spokesperson Congressman Toby Tiangco, siguradong sa Liberal Party (LP) na ito sasama lalo na’t nasa Team PNoy ito noong nakaraang halalan.
“Kung noong election ay hindi na sya sumama sa amin, sa tingin ko lalo na ngayong nanalo na siya mas lalong doon na siya didikit sa Liberal Party, well be expected that.”
Ang pahayag ni Congressman Tiangco ay dahil sa pagiging number one na senador ni Poe sa katatapos lamang na halalan. (UNTV News)