MANILA, Philippines – Walang balak ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) na magrekomenda ng deployment ban sa mga Filipino worker sa Taiwan.
Ayon kay MECO Managing Director Antonio Basilio, humupa na ang tensyon kaya wala nang dahilan upang pigilan ang mga nais magpunta o magtrabaho sa naturang bansa.
Aniya, wala silang natatanggap na request mula sa mga Pilipino sa Taiwan na nais magpa-repatriate o umuwi na lamang ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Basilio, wala na silang natatanggap na ulat ng mga harassment sa mga OFW dahil na rin sa pagbabantay ng Taiwanese police. (UNTV News)