MANILA, Philippines — Naging matagumpay at napuno ng excitement ang kick-off celebration ng UNTV Cup Season-2 nitong Martes sa One Esplanade, Pasay City.
Mas pinalakas ang kauna-unahang inter-government agency basketball tournament.
Ngayong second season, sampung koponan na ang magso-showdown sa hard-court.
Nadagdag sa mga maglalabang koponan ang Team Malacañang at Team Senate, samantalang pinaghiwalay naman ang dating iisang team ng Congress at Local Government unit (LGU).
Ayon kay UNTV Cup Deputy Comm. Ed Cordero, asahan na ang mahigpit at matinding tungalian ng bawat koponan sa hard court.
Pinangunahan naman ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon ang pag-welcome sa dalawang bagong koponan sa nag-iisang charity basketball league on TV.
“We’re very happy kasi sa Malacañang marami talagang mahilig maglaro. Ang tawag namin basketball for a cause, magandang motivation para sa mga players, nag-eenjoy ka na, naglalaro ka at may chance ka pa makatulong sa kapwa mo,” pahayag ni Maj. Paul Yamamoto, Team Leader ng Malacañang.
“May magagaling din kaming senador na maglalaro sa amin, si Senator Sonny, Senator Bam Aquino at Senator Allan, para ma-promote din namin ang senado as goodwill team. Kaya lalong sumali ang senate kasi yun din ang objective ng Senate katulad ng UNTV, public service,” saad naman ni Atty. Rodelio Dascil, Team Leader ng Senado.
Samantala, binigyang pagkilala rin ng UNTV Cup organizers ang pitong koponan sa nakaraang palaro, at kinilala ang husay na ipinakita ng mga napiling most outstanding players of season-1.
Hinirang naman na most valuable player o MVP si PO2 Ollan Omiping na tinaguriang ‘The Sniper’.
“Sa akin hindi ako pressure eh, ang iniisip ko lang talaga maglaro at makatulong eh. Siguro sa pagbibigay ko ng lahat ko hindi ko nalalaman nag-excel na pala ako sa somewhere,” saad ni Omiping.
Sa kanyang mensahe, ipinamalas ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon ang pagkahilig nito sa larong basketball.
At sa pagpasok ng season-2, isang bagong ideya ang idinagdag ni Kuya Daniel sa bawat game ng UNTV Cup. Hinikayat nito ang lahat ng joining agencies na magtayo ng public service booth sa game venue na maaring lapitan ng mga manonood.
“Lahat yan nandyan na, kahit na representatives lang. May reklamo kayo sa Philhealth, punta kayo sa booth ng Philhealth punta kayo sa booth ng Philhealth. May reklamo kayo sa PNP, punta kayo sa booth ng PNP. May reklamo kayo sa AFP punta kayo sa booth ng AFP. May mga representatives na sila doon na hihilingin natin para makaupo at directly makalapit sa kanila at pagkatapos saka kayo manood ng game. Kung papayag yung mga teams, kung okay sa kanila yung ganun, at least mailapit pa rin natin ang mga agencies na ito sa taong bayan. Magkakampi po tayo sa public service, magkakampi po tayo sa paglilingkod sa ating mga kababayan.”
Abangan na sa February 11 ang opening game ng UNTV Cup season-2 sa Smart-Araneta Coliseum. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)