Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagpapagamot ng tigdas, sakop na rin ng Philhealth

$
0
0
FILE PHOTO: Dahil sa pagkakaroon ng outbreak ng tigdas sa Maynila kaya naman ay muling ibinalik ng Philhealth sa kanilang coverage. FILE PHOTO. UNTV News

FILE PHOTO: Dahil sa pagkakaroon ng outbreak ng tigdas sa Maynila kaya naman ay muling ibinalik ng Philhealth sa kanilang coverage. FILE PHOTO. UNTV News

MANILA, Philippines — Sakop na rin ng Philhealth ang pagpapagamot at pagpapa-ospital ng mga miyembro nito na dinapuan ng sakit na tigdas.

Ayon kay Dr. Israel Pargas, Vice President ng Philhealth Corporate Affairs Group, nagpasya silang ibalik ito dahil sa measles outbreak sa Metro Manila.

Noong nakaraang taon ay nakapagtala ng mahigit sa 1,700 kaso ng tigdas sa buong bansa, at ngayong Enero ay patuloy ang pagkalat ng naturang sakit partikular sa Metro Manila.

Ayon kay Dr. Pargas, depende ang halaga ng health package sa komplikasyon na dulot ng tigdas.

Paliwanag nito, “Katulad po halimbawa pneumonia in measel o yung may komplikasyon na pneumonia sa measels, binabayadan natin ito sa halagang P15K as a package.”

Maging ang mga biktima ng dengue ay patuloy na makakakuha ng benepisyo mula P7,000 hanggang P16,000.

Inianunsyo naman ng Philhealth ang bago nitong sistema sa pagbabayad sa paggagamot sa isang partikular na sakit.

Ayon kay Dr. Pargas, sa ngayon ay may kaukulan na itong cash rate. Halimbawa na lamang ay ang operasyon sa apdo na aabot sa P31,000 ang maaaring bayaran ng Philhealth, kasama na ang gastos sa ospital at bayad sa doktor.

“Sa ganung pagkakataon alam na ng miyembro kaagad kung ano yung benepisyo. Kung magkataon na may kailangan pang ibayad ng higit sa P31K ang ating mga miyembro, mapapaghandaan nila.”

Sakop ng bagong cash rates ang P4,600 na sakit.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 80-milyong indibidwal ang benepisaryo ng Philhealth at target pa nitong masakop ang 17-19% ng populasyon sa bansa. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481