Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Davidson Bangayan at David Tan, iisang tao lang — NBI

$
0
0
Naninindigan ang NBI na iisa ang suspected big time rice smuggler na si David Tan at ang lumitaw na Davidson Bangayan sa DOJ noong nakaraang Martes. (UNTV News)

Naninindigan ang NBI na iisa ang suspected big time rice smuggler na si David Tan at ang lumitaw na Davidson Bangayan sa DOJ noong nakaraang Martes. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nanindigan ang National Bureau of Investigation (NBI) na si Davidson Bangayan at ang big-time rice smuggler na si David Tan ay iisang tao lang.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, “Up to this very moment, NBI is insisting that they’re more or less confident that they have the right guy.”

Dagdag pa nito, “Sabi nila they’re sufficiently convinced na itong Davidson Bangayan, yung pumunta kahapon at supposedly hinuli nila, is the same as David Tan.

Kahapon, kusang pumunta si Bangayan sa DOJ upang pabulaanan na siya si David Tan. Pinapunta naman siya ni De Lima sa NBI at doon ay inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest laban kay David Tan na inisyu ng Caloocan RTC branch 126 dahil sa kasong pagnanakaw ng kuryente.

Ngunit ayon sa Kalihim, napilitan ang NBI na pawalan si Bangayan dahil iginiit ng abogado nito na iba ang personaheng nilalaman ng arrest warrant.

Partikular na nakalagay sa arrest warrant na hindi si Davidson Bangayan ang tinutukoy na David Tan doon, isang bagay na kwestiyonable ayon kay De Lima.

Base sa records ng NBI, iisa ang address nina Davidson Bangyan at David Tan.

“Based on the database of NBI, yung address ni Davidson Bangayan is exactly the same as the address of David Tan and yun din ang address na nakalagay sa warrant of arrest. So why did the warrant of arrest explicitly states “David Tan who is not Davidson Bangayan,” anang Kalihim.

Nais din ng Kalihim na hingan ng paliwanag ang Caloocan RTC sa pagtanggi nito na matingnan ng NBI ang records ng kaso.

Ani De Lima, “Nagpadala pa ng agents sa Caloocan-RTC, they wanted to go over the records to find out bakit sinabi yun who is not Davidson Bangayan.”

“Unfortunately, hindi sila pinayagan allegedly because they’re not parties to the case. I think that is questionable, that’s why I intend to write to the court.”

Ilalagay naman ng Kalihim sa look out bulletin ng immigration si Bangayan upang mabantayan ang posibleng paglabas nito ng bansa.

Naghahanap na rin sa ngayon ng karagdagang ebidensiya ang NBI na magpapatunay na si Davidson Bangayan ang rice-smuggler na si David Tan.

Isang presidente na umano ng kooperatiba ang nagpatunay din na iisa lang si Bangayan at David Tan.

“Bago pa man nag-surface kahapon si Davidson Bangayan ay pinakita nila yung photo at kinonfirm na siya yun and may shinare din na mga activities and transactions nitong  si Davidson Bangayan aka David Tan,” pahayag pa ni DOJ Sec. De Lima. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481