QUEZON CITY, Philippines — Nadagdagan pa ang bilang mga nasawi at pamilyang naapektuhan sa umiiral na Low Pressure Area sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong umaga ng Huwebes, 26 na ang patay, 36 ang sugatan habang 11 naman ang nawawala.
Mahigit na rin sa 300,000 residente o 71,000 pamilya ang naapektuhan mula sa 14 na lalawigan sa Zamboanga, Davao at CARAGA regions.
Labintatlong lugar na rin ang nagdeklara ng state of calamity sa Davao del Norte, Davao Oriental, Lanao del Norte at Agusan dahil sa matinding pinsalang dulot ng baha at landslide.
Ayon sa NDRRMC patuloy ang ginagawa nilang pagtulong sa mga sinalanta ng kalamidad. (UNTV News)