PAMPANGA, Philippines — Ideneklara na ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines o AFP, bilang peaceful and ready for further development ang buong Northern at Central Luzon.
Pinangunahan nina AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista, NOLCOM Commander Major General Gregorio Pio Catapang Jr., Pampanga Governor Lilia Pineda at mga Local Government Official sa lalawigan, ang paglagda sa isang memorandum of agreement.
Ani Gen. Bautista, “Sabi ko dito nag-ugat yung insurgencies sa Central Luzon, ngayon nakita natin ang Central Luzon napakatahimik na at ready for development. It drive the point, it is possible very much possible and elsewhere in the country that we can achieve. What we achieve here and so sana what we saw here, it can be replicated in other parts of the country. Yun ang impact niya.”
Sa 22 lalawigan na sakop ng Northern Luzon Command o NOLCOM, pinakahuling idineklara na insurgency free ang Pampanga, dala ng pagbaba ng bilang o pagkawala ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA sa lugar.
Pahayag naman ni Pampanga Gov. Lilia Pineda, “Napakalaking bagay yung declaration ng insurgency free. Ang pampanga kasi kami ang sentro ng Central Luzon.”
Ayon pa kay Pineda, malaki ang maitutulong nito upang mapalakas pa ang ekonomiya ng Pampanga dahil sa pagpasok ng maraming investors sa probinsiya.
“So ngayon, Wala ng takot ngayon yung mga investor na pumunta sa Pampanga, mag-invest lalo na sa Clark.”
Kabilang sa 21 lalawigang naideklara nang peaceful ng NOLCOM mula 2009 hanggang 2013 ay La Union Nueva Viscaya noong 2009; Apayao, Aurora, Quirino, Tarlac, Nueva Ecija, Pangasinan at Kalinga noong 2010; 2011 naman ang Ilocos Norte at Benguet; Zambales, Abra at Bataan noong 2012. Samantalang naideklara ang Batanes, Ilocos Sur, Isabela, Cagayan, Ifugao, Bulacan at Mt. Province noong 2013. (JERIC MOJICA / UNTV News)