Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Relokasyon sa mga residenteng naninirahan sa mga danger zone sa Davao Oriental, ipatutupad na

$
0
0
Ilang kabahayan na malapit sa ilog sa bayan ng Baganga, Davao Oriental. Makikitang dahil sa lakas ng pag-agos ng tubig bunga ng pag-ulang dala ng Low Pressure Area ay nasira ang tulay na malapit sa ilang kabahayan. Dahil dito ay inaasahan na ang pagkakaroon ng relokasyon na nakabase sa isinasaad ng geohazzard maps ng Mines and Geosciences Bureau. (PHOTOVILLE International)

Ilang kabahayan na malapit sa ilog sa bayan ng Baganga, Davao Oriental. Makikitang dahil sa lakas ng pag-agos ng tubig bunga ng pag-ulang dala ng Low Pressure Area ay nasira ang tulay na malapit sa ilang kabahayan. Dahil dito ay inaasahan na ang pagkakaroon ng relokasyon na nakabase sa isinasaad ng geohazzard maps ng Mines and Geosciences Bureau. (PHOTOVILLE International)

DAVAO CITY, Philippines — Nagbabala ang pamahalaang panlalawigan ng Davao Oriental sa mga residenteng naninirahan sa mga lugar na itinuturing ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na “danger at no habitation zones”.

Ayon kay Governor Corazon Malanyaon, ang naranasang epekto ng Low Pressure Area (LPA) sa 11 munisipalidad ng probinsiya ay patunay lamang na tama at totoo ang nakasaad sa geo hazard map ng MGB.

Dahil dito, marapat lamang na pagtuunan ng pansin ng Local Government Units (LGU’s) na ligtas ang mga relocation sites at nakabase sa isinasaad ng geo hazard map.

Bukod sa pagbisita ng mga opisyal ng provincial government ng Davao Oriental ay nagsagawa rin sila  ng konsultasyon sa bawat munisipalidad upang pagaralan ang paghanap ng ligtas na mga relocation site.

“Parang ngayon napapatunayan na natin sa kanila including the local officials na totoo pala talaga that you have to seriously take into consideration in the identification of your resettlement sites or even government sites yung recommendation ng MGB specially with respect to the geo hazard map,” pahayag ni Malanyaon.

Inatasan din ng gobernador ang LGU’s na kausapin ang mga nagmamay ari ng lupain na ligtas na gawing relocation sites na ipagbili na lamang sa pamahalaan.

Sinabi pa ni Malanyaon na sakaling tumanggi ang mga land owner ay maaari nilang gamitin ang kapangyarihan ng eminent domain.

Sa ilalim ng eminent domain, maaring kunin ng pamahalaan ang pribadong pag-aari ng isang tao.

Ayon kay Malanyaon ang eminent domain ay isang paraan lamang sakaling hindi mapakiusapan ang land owner na ipagbili ang pag-aaring lupain sa gobyerno.

“If that is the only available property in the area where they could relocate so pag ayaw talaga nila there’s always the last recourse that government usually make or resort to and that is exercising the power of eminent domain meaning you have to expropriate,” saad pa nito. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481