MANILA, Philippines – Ipatutupad na ng National Capital Region Police Office ang 24/7 na checkpoint operations sa Metro Manila.
Kasunod ito ng dumaraming krimen na kagagawan ng riding in tandem.
Ipinag-utos na ng pamunuan ng NCRPO sa limang police district sa Metro Manila ang pagbuo ng grupo na magsasagawa ng checkpoint sa mga istratehikong lugar.
Ayon kay NCRPO Regional Director Carmelo Valmoria, bukod sa 24/7 checkpoint magdadagdag din ng mga tactical motorcycle riders ang NCRPO kontra sa mga riding in tandem criminals. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)