Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Child fostering, isinusulong ng DSWD sa LGU’s

$
0
0
FILE PHOTO:  Isang pag-aaruga ng isang magulang sa isang bata. Para sa mga gustong maging foster parent, maaari makipag-ugnayan sa  DSWD-NCR sa hotline # 734-8639. (RAYMOND BALA LACSA / Photoville International)

FILE PHOTO: Isang pag-aaruga ng isang magulang sa isang bata. Para sa mga gustong maging foster parent, maaari makipag-ugnayan sa DSWD-NCR sa hotline # 734-8639. (RAYMOND BALA LACSA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Isusulong ng Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR) ang child fostering care sa mga Local Government Unit (LGU).

Sa datos ng DSWD, mahigit sa 2-libong bata sa Metro Manila ang nangangailangan ng tamang pangangalaga at pagkalinga.

Dahil dito, isinusulong ngayon ng DSWD-NCR ang programang “Aruga at Kalinga para sa mga Bata sa Barangay.”

Ayon kay DSWD Regional Director Alicia Bonoan, layon ng nasabing programa na humikayat ng maraming licensed foster parents sa Metro Manila na mag-aaruga sa mga batang biktima ng pang-aabuso, inabandona, mga palaboy at mga batang sangkot sa krimen.

“Kung maalala yung mga batang iniiwan lamang sa simbahan, sa puno nakabasket, ito yung mga bata na sa kadahilanang sila ay naabandona ng mga magulang ay binibigyan natin sila ng alternative family care through foster care. May mga street children na kaya sila nandon dahil hindi maibigay ng magulang ang tamang pag-aalaga at matugunan ang kanilang pangangailangan.”

Ang proyektong ito ay nasimulan na ng ahensya sa bahagi ng Muntinlupa at Mandaluyong.

Sa mga magnanais na maging foster parent, tumawag lamang sa DSWD-NCR hotline no. 734-8639. (Ley Ann Lugod & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481