Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagdinig sa kasong serious illegal detention ni Janet Lim-Napoles, ipagpapatuloy ngayong Huwebes

$
0
0
FILE PHOTO: Si pork barrel scam suspect Janet Lim Napoles noong gabing inilipat siya mula Camp Crame patulong Makati City Jail. Sa pagpapalabas ng subpoena ng Senado kay Napoles, inaasahan ang pagharap nito sa Senado. (UNTV News)

FILE PHOTO: Si pork barrel scam suspect Janet Lim Napoles noong gabing inilipat siya mula Camp Crame patulong Makati City Jail. Sa pagpapalabas ng subpoena ng Senado kay Napoles, inaasahan ang pagharap nito sa Senado. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Bukas ay sisimulan nang iprisinta ng kampo ni Janet Lim-Napoles at ng prosekusyon ang mga ebidensya kasama ang mga testigo hinggil sa motion for reconsideration ni Napoles matapos tanggihan ng korte ang petition for bail ng nasabing akusado kaugnay sa kasong serious illegal detention sa Makati Regional Trial Court.

Nauna ng hindi pinagbigyan ni Makati RTC Judge Elmo Alameda ang petisyon ng kampo ni Napoles na ito’y makapag-piyansa.

Subalit malaki ang pagasa ng abogado ni Napoles na si Atty. Alfredo Villamor na magkakaroon ng positibong desisyon ang korte dahil sa isinumite nilang motion for reconsideration upang makapag-piyansa ang kanyang kliente.

Lalo na at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsusumite ang prosekusyon ng komento at pagtutol sa motion for reconsideration na kanilang inihain.

“I know what evidence we have, I believe that we have a good case to earn the acquittal of my clien,” pahayag ng abogado ni Napoles.

Ayon pa kay Atty. Villamor, mayroon silang labing pitong testigo at ipiprisinta nila ang ilan sa mga ito bukas.

Ito ang mga testigo na nagsumite ng kanilang mga affidavit habang isinasagawa ang preliminary investigation sa kaso.

“Basically we will be presenting the witnesses who submitted affidavits during the preliminary investigation and the tenure of their testimony is to the effect that Benhur was never detained against his will,” saad pa ni Villamor.

Inaasahan naman ng kampo ni Napoles na matatagalan ang pagdinig lalo na at nagpahayag na ang prosekusyon na magpiprisinta din sila ng kanilang mga testigo.

Samantala, bukas ng umaga ay bibisita din si Atty. Villamor kay Janet Lim-Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Laguna upang kausapin ito tungkol sa magiging takbo ng mga pagdinig. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481