Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

NBI, patutunayan na si Davidson Bangayan at David Tan ay iisang tao lang

$
0
0
(Left) NBI Chief Virgilio Mendez; (Right) "David Bangayan"

(Left) NBI Chief Virgilio Mendez; (Right) “David Bangayan”

MANILA, Philippines – Nais ni Justice Secretary Leila De Lima na magkaroon ng record access ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kasong Anti-Electricity Pelferage Act ni Davidson Bangayan na itinuturong nasa likod ng big-time rice smuggling sa bansa.

Isang request letter ang ipadadala ni De Lima sa Caloocan-RTC upang makakuha ang NBI ng karagdagang impormasyon sa katauhan ni Davidson Bangayan.

Ibig rin ng kalihim na mabigyang linaw ng korte ang ipinalabas nitong warrant of arrest kay Davidson Bangayan na may katagang “who is not David Tan’.

Ani De Lima, “Ngayon lang kami nakakita ng ganung klaseng warrant of arrest. Normally, it’s Also Known As or alias or AKA and yet, eto baligtad ‘who is not’ so baligtad. So, there must be a reason for that. So, we are we are requesting the judge kasi archive na daw yung kaso to allow access by the NBI to further shed light on this important factual issue.”

Sa ngayon, tatlong tao na ang iniimbestigahan ng NBI na hinihinalang mastermind ng pagpupuslit ng bigas sa bansa.

Sa pakikipagpulong ni De Lima sa bagong hepe ng NBI na si Atty. Virgilio Mendez at matataas na opisyal nito, malaki pa rin ang paniniwala ng ahensya na si Davidson Bangayan ay si David Tan na kanilang hinahanap.

“We are always basing it on evidence and basing it on documents, so if we said it, I think we have some basis to support it,” pahayag ni Mendez.

Lalawakan na ng NBI ang pag-iimbestiga upang mapatunayan ang kanilang hinala na iisang tao lang si Davison Bangayan at David Tan.

Iimbitahan din ng ahensya si Jess Aranza bilang resource person sa pagtukoy kay David Tan.

“We will try so into the records of the case then determine probably who are the complainants, who is the prosecutor handling the case, the lawyers so we can have a picture how this case came up,” saad pa ni Mendez.

Ilalagay naman ng DOJ sa look-out bulletin ng Bureau of Immigration si Davidson Bangayan para hindi ito makaalis palabas ng bansa. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481