QUEZON CITY, Philippines — Muling binuhay ng Quezon City Police District ang pagsusuot ng vest ng mga naka-motorsiklo.
Ito’y upang maiwasan ang mga krimen na dulot ng riding in tandem criminals.
Ayon kay QCPD Director P/CSupt. Richard Albano, makikipag-usap siya sa Martes sa mga local government units upang irekomendang isama ito sa kanilang ordinansa.
Matatandaang inilunsad ng QCPD noong isang taon ang boluntaryong pagsusuot ng vest na nakasulat sa likod ang plaka ng motorsiklo ng mga motorcycle rider.
Subalit, hindi ito masyadong naging epektibo dahil bukod sa boluntaryo lamang ay wala pang suporta ng lokal na pamahalaan. (UNTV News)