MANILA, Philippines — Sarado sa publiko ang Embahada ng Estados Unidos sa Maynila sa January 20, araw ng Lunes.
Ito ay bilang pag-obserba sa Dr. Martin Luther King Jr. Day na isang official American holiday na ginaganap tuwing ikatlong Lunes ng Enero.
Si Luther King ay tinaguriang mukha ng non-violent activism sa karapatan ng mga mamamayan sa Amerika.
Bukod sa US Embassy, sarado rin ang mga affiliated office nito.
Muli namang magbabalik-operasyon ang embahada sa January 21, araw ng Martes. (UNTV News)