Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Korte Suprema, nagtalaga na ng pangatlong assisting judge sa kaso ng Maguindanao massacre

$
0
0
FILE PHOTO: Isang hearing para sa mga kasong kaugnay ng Maguindanao massacre (UNTV News)

FILE PHOTO: Isang hearing para sa mga kasong kaugnay ng Maguindanao massacre. Upang makatulong sa pagpapabilis ng paggulong ng hustisya, itinalaga ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno si Virac, Catanduanes Regional Trial Court branch 42 Presiding Judge Genie Gapas-Agbada bilang pangatlong assisting judge ng Quezon City Regional Trial Court branch 221. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nagtalaga na ang Korte Suprema ng pangatlong assisting judge sa kaso ng Maguindanao massacre.

Sa administrative order na inilabas ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno nitong Miyerkules, itinalaga bilang pangatlong assisting judge ng Quezon City Regional Trial Court branch 221 si presiding judge Genie Gapas-Agbada ng Virac, Catanduanes Regional Trial Court branch 42.

Hahawakan ni Judge Gapas-Agbada ang mga arraignment, pre-trials at pagdinig sa iba-ibang mga mosyon ng mga partido sa Maguindanao massacre case.

Binigyan din ito ng kapangyarihan ng Korte Suprema na resolbahin ang mga mosyon kahit pa naka-pending ang mga ito sa higher court. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481