Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

UNTV Fire Brigade, rumesponde sa nasunog na bus sa QC

$
0
0
Ang nasunog na pampasaherong bus nitong madaling araw ng Biyernes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. (UNTV News)

Ang nasunog na pampasaherong bus ng Fermina Transit nitong madaling araw ng Biyernes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Isa ang UNTV Fire Brigade sa mga tumulong sa pag-apula ng apoy. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Rumesponde ang UNTV Fire Brigade at tumulong sa pagapula ng apoy sa isang pampasaherong bus na nagliyab habang bumibiyahe sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City nitong madaling araw ng Biyernes.

Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog at nadamay pa sa insidente ang tatlong eatablisyimento matapos umano itong maatrasan ng bus.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, biglang nagliyab ang Fermina Transit Bus na biyaheng Fairview sa gitna ng kalsada.

“More or less 20 meter from the establishment nakita nila na nag-wawild tapos umalis yung driver at conductor tapos unti-unti nang umatras sa pwesto nila Alcaraz family,” pahayag ni Fire Supt. Jesus Fernandez.

Wala namang nasaktan sa nangyaring sunog dahil agad naglabasan ang mga pasahero at ang driver ng bus.

Tumagal ng halos isang oras ang sunog bago ideneklarang fire out ng mga awtoridad. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481