Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

‘David Tan’, gawa-gawa lamang — Atty. Guevarra

$
0
0
"David Tan" : Umano'y big-time rice smuggler na ayon kay Atty. Argee Guevarra ng Sanlakas Partylist ay isang fictional character o gawa-gawa lamang. (UNTV News)

“David Tan” : Umano’y big-time rice smuggler na ayon kay Atty. Argee Guevarra ng Sanlakas Partylist ay isang fictional character o gawa-gawa lamang. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hindi dapat pagtuunan ng pansin ng taumbayan si ‘David Tan’, na umano’y utak ng rice smuggling sa bansa dahil isa lamang itong fictional character o gawa-gawa lamang ayon kay Atty. Argee Guevarra ng Sanlakas Partylist.

Sa isang panayam, sinabi ni Guevarra na ginagamit lamang ang pangalang David Tan upang ilihis sa tunay na sitwasyon ng bigas sa bansa.

Noong nakaraang taon, sinampahan ni Guevarra ng kasong plunder o pandarambong sina NFA Administrator Orlando Calayag at Agriculture Secretary Proceso Alcala dahil sa umano’y overpricing ng inimport na bigas galing Vietnam.

“Noong matapos kong sampahan ng plunder si Alcala, imbes na sagutin niya ang mga issues dun sa aking reklamo, sa aking mga panayam sa media, eh nanahimik lamang siya. At isang linggo matapos nun, aba bigla na lamang lumabas ang mga news reports about David Tan, na para bang lahat ng problema about sa bigas ay pasan-pasan ng iisang tao lamang, David Tan,” saad nito.

Nilinaw ni Guevarra na hindi niya personal na kilala si Tan at inakusahan nito si Alcala na gawa-gawa  lamang ang isang David Tan upang ilihis ang atensiyon ng taumbayan at takpan ang mga umano’y panloloko nito sa kagawaran kaugnay sa importasyon ng bigas.

Aniya, “Nagbabangon puri sila ngayon. Nagkamali sila dahil ito pala ay hindi David Tan kundi Davidson Bangayan. Nagbabangon puri sila at itong kawawang mamang to… ay kakaladkarin na lamang siya at pipilitin siyang siya si David Tan.”

Dagdag pa nito, “yan ang patakaran ni Alcala ngayon, na gagawa siya ng kaaway na multo upang takutin, di lang ang mamamayang Pilipino, kundi ang lahat na tututol sa kanyang mga plano.”

Samantala, naninindigan naman si Alcala na wala itong nalalaman sa mga paratang ni Guevarra laban sa kanya.

Sa statement ng kagawaran sa kanilang official website, hinamon ng DA si Guevarra na iprisenta ang mga alegasyong ito sa tamang pagtitipon. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481